エピソード

  • Episode 10: Magseselos na Sana Ako Kaso...
    2021/05/19
    Marami sa mga magkarelasyon ngayon, anf kadalasang dahilan ng hiwalayan o break-up ay ang "SELOS". Marami sa kanila ang karaniwang pinagseselosan ay ang mga simpleng pag-reply ng smile sa isang tao o 'di-kaya'y hindi lang na-reply-an agad. Nagseselos agad. Dapat nga bang magselos? Ano-ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nagseselos? Paano nga ba natin ito maiiwasan? #STLBACKMagseselosNaSanaAkoKaso
    続きを読む 一部表示
    21 分
  • Episode 9: Boyfriend kong DDS
    2021/05/12
    Sa panahon natin ngayon, iba't-ibang political-based groups na ang nagsisipagusbungan. Talagang ang dami-dami na nila pero mayroon talagang dalawang sikat na sobrang init sa isa't-isa. Ito ang mga "DILAWAN" at "DDS". Talagang kahit saang panig ng diskusyon, saan mang platforms, laging may tatalak na DDS at DILAWAN kapag ang usapan ay pulitika. Talagang hindi sila mawawala kahit saan. Pero, ano nga ba ang gagawin mo kapag ang tatay, nanay, kapatid, o ang jowa mo ang naging kabilang sa mga grupong ito? Magagalit ka ba? o pipilitin mo silang magbago? o Iiwas ka nalang para wala nalang gulo? #STLBACKBoyfriendKongDDS
    続きを読む 一部表示
    26 分
  • Episode 8: Label Is Must
    2021/05/02
    Sa makabagong panahon, ang panahon ng mga Gen Z, napakadvance na ng lahat. Iyong tipong kaunti nalang kakabugin na pati mga fast food chains sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa panahon natin ngayon, nabubuhay na tayo sa microwave society na kung saan lahat ng bagay, instant na, as in, sobrang bilis. Subalit, kapag ang usapan ay nasa aspeto na ng relasyon, dapat pa rin bang instant? Paano kapag may nanligaw sa iyo at sinagot mo at tinanong ka, ano ba ang label natin? Ano ang isasagot mo? Lalagyan mo ba ng label kung napakabilis lang ng proseso? #STLBACKLabelIsMust. Shoppee Link for 5.5 sale: podlink.co/p8x
    続きを読む 一部表示
    24 分
  • Episode 7: Cancel Culture
    2021/04/20
    Sa nagbabago nating mundo, iba't-ibang opinyon o pananaw na ang ating nakakalap at naririnig. Samu't saring ideya mula sa iba't-ibang tao tulad ng politiko, artista, pilosopo, at maging mga normal na mga tao. Sa mga kaganapang ito, marami rin ang kumokontra sa opinyon ng isa't-isa at ang isa sa pinakasikat na kaugalian sa pagkontra ay ang "pagCANCEL NG TAO". TAMA NGA BA NA MAGCANCEL TAYO NG TAO? ANO-ANO NGA BA ANG DAPAT MONG ISA-ALANGALANG BAGO MO I-CANCEL ANG ISANG TAO? #STLBACKCANCELCULTURE
    続きを読む 一部表示
    23 分
  • Episode 6: Sundalo ng Pandemya
    2021/04/01
    Kung babalikan natin ang paulit-ulit na sistema, ang paulit-ulit na kaganapan, iisa lang talaga ang problema ng ating bansa, ang kakulangan ng healthcare facilities, healthcare workers. Sa totoong buhay, ang hirap hirap na ng buhay, sobrang hirap, hindi mo na masabi, sobrang dami ang nawalan ng trabaho, ang daming nawalan ng pagkakakitaan, ang daming nawalan ng business,  ang daming tumigil sa pag-aaral, ang hirap ng sistema ng pag-aaral, hindi maayos ang implementation ng mga batas, walang malinaw na solusyon kung paano haharapin ang CoViD-19. Napakagulo, napakahirap pero iniisip ba natin kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng mga frontliners natin? Paano nga ba sila tutulong sa pagsugpo ng pandemya kung ang mismong sundalo sa hamong ito ang dinapuan ng CoViD-19? #STLBACKSundaloNgPandemiya
    続きを読む 一部表示
    24 分
  • Episode 5: Dagok ng Pandemiya
    2021/03/30
    Noong Marso 15, 2020, idineklara sa buong PILIPINAS na tayo ay sasailalim sa tinatawag na ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE. MARAMING MGA KOMPANYA, ESTABLISYIMENTO, AT MAGING MGA FAST-FOOD CHAINS, TINDAHAN, KARINDERYA, AT MAGING MGA SIKAT NA KOMPANYA ANG NAGSARA. MARAMI RIN ANG NAWALAN NG TRABAHO. MARAMING NAWALAN NG KITA, AT HIGIT SA LAHAT, MARAMING NAWALAN NG PAG-ASA. PAANO KA LALABAN SA DAGOK NG PANDEMIYA KUNG IKAW MISMO ANG TINAMAAN AT APEKTADO RITO? #STLBACKDagokNgPandemya
    続きを読む 一部表示
    27 分
  • Episode 4: Social Media Breaks
    2021/03/27
    Sa buhay natin, napalilibutan na tayo ng 'social media'. Kahit saan mang dako ka tumingin, puro social media sites at apps ang makikita mo. May magjowang nagpaparinigan sa Facebook, mga political-based groups na nag-oonline rambulan, may lolang nagti-TikTok o 'di kaya'y ang pagpost ng pagkain sa Instagram. Paano nga ba tayo magkakaroon ng 'social media' breaks kung napalilibutan na tayo nito? #STLBACKSocialMediaBreaks
    続きを読む 一部表示
    18 分
  • Episode 3: Red Flag Alert System
    2021/03/25
    Tall, dark, and handsome. Almost perfect guy na KASO may red-flag alert akong nakita. Okay na sana eh kaso ---? Paano nga ba natin haharapin ang mga red-flag alert sa isang relasyon?
    続きを読む 一部表示
    19 分